89

By

Mga estudyante dumagsa sa huling araw ng UPCAT application para sa NCR private HS

Sharing is caring!

Sa kabila ng pag-ulan, hindi napigilan ang mga estudyante at magulang na luminya sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City ngayong umaga para sa UP College Admissions Test (UPCAT) application sa school year 2019-2020.

Ayon sa report, umabot na umano sa 10,000 ang aplikante para sa huling araw ng pagsusumite ng application forms sa UPCAT 2019 (para sa Metro Manila private high schools).

Karamihan umano sa mga ito, gabi pa lang ay naghintay na sa labas ng tanggapan para makauna sa napakahabang pila. Ilan umano ay humihingi na palawigin pang muli ang UPCAT application para sa private high schools.

Nagsimula ang submission of application noong Hulyo 10.

Samantala, ang deadline naman ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Metro Manila public schools ay sa Agosto 3 habang sa Agosto 10 naman ang para sa regional private and public schools. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?