23

Jan 20, 2020 @ 18:06
By

Mga establisyimentong magbubukas sa Tagaytay City binalaan ng DILG

Winarningan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga commercial establishment sa Tagaytay City na sumunod sa direktiba na huwag munang magbukas ng operasyon hangga’t nananatili ang Alert Level 4 sa bulkang Taal.

Ang babala ay ginawa ni DILG Undersecretary Epimaco Densing sa Laging Handa press briefing sa Malacañang.

Sinabi ni Densing na nakatanggap sila ng report na nagbukas nitong weekend ang Sky Ranch theme park at ang Taal Vista Hotel kaya’t ipapa-check nila ito.

Naglabas aniya ng memorandum ang DILG sa alkalde ng Tagaytay City kaya dapat ay sumunod ang mga may-ari ng commercial establishments.

“We will check. I’m very sure that we released a memo to the City Mayor of Tagaytay that no commercial establishments shall continue to operate until and unless this issue of Alert Level 4 has been downgraded,” ani Densing.

Kasabay nito, pinayuhan ng opisyal ang mga turista at mga lokal na mamamayan na huwag munang bumisita sa Tagaytay dahil baka kapag inabutan ng peligro ay kasama pa ang mga ito sa mga aasikasuhin ng mga awtoridad.

“We are discouraging actually tourists or locals to go up to Tagaytay dahil nasa Alert Level 4, mamaya pag-akyat nila biglang sumabog, makakadagdag pa sila sa tutulungan o poprotektahan. So we are really discouraging them from going to the area or even in Tagaytay City,” dagdag pa ni Densing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?