8
ABANTE bulkang mayon mount mayon volcano aiplanes
By

Mga eroplano pinalalayo sa bunganga ng Mayon

Sharing is caring!

Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ipinalabas na notice to airmen o NOTAM kagabi kaugnay sa pag-aalburuto ng Mount Mayon.

Sa inilabas na NOTAM ngayon alas-9 ng umaga, ito ay magiging epektibo ng 24 oras.

Kagabi, alas-9:12 nang unang magpalabas ang CAAP ng NOTAM na may bisa hanggang kaninang ala-1 ng madaling araw para maiwasan ng mga eroplano ang abo mula sa bulkan.

Ngunit dahil sa patuloy na pagbubuga ng abo ng bulkan kailangan na muling magpalabas ng CAAP ng NOTAM.

Kahapon alas-5:38 ng hapon nang magbuga ang Mayon ng abo na lumikha ng volcanic ash cloud hanggang sa 8,202 talampakan na taas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?