30
butch-ramirez
Sep 13, 2019 @ 18:51
By

Mga equipment sa SEAG sosolusyunan ni Ramirez

Lampas dalawang buwan na lamang bago ang pagho-host ng Pilipinas sa kada dalawang taong Southeast Asian Games subalit hindi pa rin natatapos ang mga isyu at problema sa paghahanda ng bansa at paglalabanan na mga sports kung kaya tuluyang nagbigay ng ultimatum ang Office of the Chef de Mission.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas chef de mission William ‘Butch’ Ramirez sa ipinatawag nito na 5th CDM Consultation Meeting na mayroon na lamang hanggang Lunes ang lahat ng mga NSA upang kumpletuhin ang kanilang mga equipment at request upang agad na maihanda para sa SEA Games.

“We have to find a very good solution. We are approaching 77 days and the biggest concern is the procurement of the equipment. We are giving ourselves up to Monday, kapag hindi namin nakuha iyan, malaking problema iyan sa P5 or P6M na kailang equipment. The country is at stake here now, kaya nga sabi ko kanina after the prayer, hindi na ito PSC, POC o Phisgoc, Pilipinas na ang nakataya dito,” sabi ni Ramirez.

“We have compelling issues na dapat resolbahin and it is a crack time now. I have to rush also to the president to secure how we can fast track getting the needed equipment for all our NSAs.”

Isa din sa pinag-usapan sa pagpupulong na sandali na dinaluhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay ang pagbuo sa crisis management committee na may isang opisyal na siyang magbabantay at magsisiguro na lahat ng mga problema ay agad na mapupunuan at mabibigyan ng solusyon.

“Isa iyon sa pinag-usapan namin para maasikaso ang lahat ng concerns. This is a national endeavor kaya kailangan natin na sama-samang asikasuhin. Alam naman natin na magagaling ang mga Pilipino kapag nagtutulungan,” sabi pa ni Ramirez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?