32

Jan 12, 2021 @ 18:37
By

Mga employer puwede na magsumite online ng 13th month pay report

Maaari nang mag-file ng kanilang 13th month pay report online ang mga pribadong employer sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

“Paalala sa mga private employers dito sa Metro Manila: Maaari n’yo na po i-file online sa DOLE-NCR ang inyong 13th-Month Pay Report,” saad ng DOLE-NCR sa Facebook post.

“I-access lamang ang http://bit.ly/NCR-13thmonthreporting upang masagutan at ma-submit online ang mga hinihinging impormasyon on or before January 15, 2021,” patuloy nito.

Paalala sa mga private employers dito sa Metro Manila:

Maaari n’yo na po i-file online sa DOLE-NCR ang inyong…

Posted by Department of Labor and Employment – National Capital Region on Monday, January 11, 2021

Ayon sa DOLE-NCR, alinsunod ito sa Section 8 ng Presidential Decree No. 851.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?