26

Jan 6, 2022 @ 15:32
By

Mga empleyado ng OWWA, dinale ng COVID

Hindi nakaligtas ang mga empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamemerwisyo ng COVID-19 matapos matamaan ng virus ang ilan sa mga jto.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID -19 sa kanyang tanggapan.

Gayunman, hindi tinukoy ni Cacdac ang eksaktong bilang ng mga nagka-COVID na mga kawani nito, pero tiniyak na tuloy tuloy ang kanilang pagtatrabaho.

“Yes, nakakaramdam tayo ng surge ngayon.At mayroon tayong mga nagka-COVID positive na rin sa mga hanay natin. Mayroon nang nagpopositibo sa hanay natin, ramdam naman din yata natin ito sa buong metropolis at buong lungsod,” ani Cacdac.

Sanay na aniya ang OWWA sa sitwasyon kaya may gagawing disinfection sa kanilang opisina.

Amg trabaho aniya ng mga nagpositibong kawani ay pansamantalang gagawin ng mga reliever na kinuha nila sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Of course we are ready ‘no, sanay na tayo for the last 22 months na nating ginagawa ito. Kaya mayroon na tayong mga reliever, mga emergency hired workers to take their place. Huwag po tayong mag-aalala, patuloy lang,” dagdag ni Cacdac.

Bukod sa OWWA, may mga tinamaan din ng COVID 19 na limang personnel ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,