9
NCCC Mall

Mga empleyado ng NCCC Mall, bibigyan ng trabaho ng DOLE

Sharing is caring!

Nakatakdang bigyan ng hanapbuhay ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa sunog na sumiklab sa NCCC Mall sa Davao City bago mag-Pasko na kinamatay ng 38 katao.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kabuuang 2,925 workers sa NCCC Mall ang isasailalim sa emergency employment program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at bibigyan sila ng trabaho sa loob ng 30-araw.

Sabi sa ulat, nag-umpisa na umano ang orientation para sa naturang programa kung saan bibigyan ng P340 kada araw ang bawat manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,