35

Mar 3, 2020 @ 14:42
By

Mga empleyado ng Honda, pwedeng pagtrabahuhin sa Build, Build, Build project – Palasyo

May mga oportunidad sa Build, Build, Build project ang mga manggagawa ng Honda na nakatakdang mawalan ng trabaho sa pagsasara ng planta ng kumpanya.

Tugon ito ng Malacañang sa panawagan ni Congressman Ferdinand Gaite kay Pangulong Rodrigo Duterte na umaksiyon para matulungan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may mga trabaho sa mga ginagawang proyekto ng gobyerno, partikular sa Build, Build, Build project.

Marami aniyang ginagawang infrastructure project kaya maaaring gawing option ito ng mga manggagawa ng Honda.

“Di ba nga sabi natin because of ghe Build, Build, Build projects, mayroon silang puwedeng paglagyan kung matuloy na, and marami tayong project, baka makapasok sila doon,” ani Panelo.

Maganda aniya ang alok na retirement package ng Honda para sa mga maaapektunan ng pagsasara ng kanilang planta kaya hindi mangangamba ang mga ito na magutom ng ilang panahon.

“According to Honda , ang ganda ng retirement package nila or separation package na will provide them or they can be… no worries at least for next several months,” dagdag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?