117
Mga empleyado makakatipid sa flexible working hours - Revilla
Nov 26, 2019 @ 16:02
By

Mga empleyado makakatipid sa flexible working hours – Revilla

Makakatipid umano sa gastusin ang mga manggagawa at makakabawas sa trapik kung magkakaroon ng flexible working hours sa kanilang pinagtatarabahuhan.

Ito ang pahayag ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. matapos niyang isulong na amyendahan ang umiiral na working arrangement ng mga kompanya sa bansa.

“Bawas sa trapik, bawas sa gastos at mas mahabang panahon ang nailalaan sa trabaho at pamilya,” sabi ni Revilla.

Sa Senate Bill 673 o “An Act Amending Article 83 of the Presidential Decree No. 442, na mas kilala sa tawag na Labor Code of the Philippines,” nais ni Revilla na ang ilang flexible work arrangement na maaaring gamitin ng mga employer.

Kabilang na dito ang compressed work week na ang normal na bilang ng working days ay babawasan at ang total number ng oras ay mananatili sa kabuuan kabilang na ang adjustment sa mga holiday.

Sabi ni Revilla, dahil sa advancement sa information, communication at technology, ang mga empleyado ay maaari nang magtrabaho sa labas ng opisina subalit kukumpletuhin naman ang walong oras na kailangan.

Ang ganitong uri ng arrangement, ani Revilla, ay kinikilala na ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pinaniniwalaang makakatulong ng malaki para mabalanse ng mga manggagawa ang lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?