48

Apr 4, 2020 @ 23:08
By

Mga elected official sa Maynila ido-donate ang suweldo sa PGH

Inanunsyo ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno na ang mga nahalal na opisyal sa lokal na pamahalaan ay ido-donate ang kanilang suweldo sa buwan ng Abril, para sa Philippine General Hospital.

Sa kanyang tweet, sinabi ng alkalde na kabilang sa mga opisyal na ito sina Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at lahat ng mga city councilor.


“Sa maliit po naming kaparaanan, sana po ay makatulong ito sa pagpapalakas ng kakayanan ng ating nga frontliner sa healthcare sector para labanan ang outbreak ng COVID-19,” sabi pa ni Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?