102
ABANTE inflation rate train hingh philippines
By

Mga economic manager kumpiyansang bababa ang inflation rate

Naniniwala ang mga miyembro ng Economic Development Cluster ng gobyerno na huhupa ang pagtaas ng inflation sa pagtatapos ng third quarter ng taon.

Nakasaad ito sa inilabas na statement ng EDC matapos pumalo sa nine-year high nitong Agosto ang inflation rate sa 6.4%.

Positibo ang mga economic manager ng gobyerno na hindi na mararanasan ito sa susunod na taon dahil sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno.

Kabilang dito ang nakatakdang pag-angkat ng limang milyong sako ng bigas sa susunod na taon, bukod sa inaasahang 12.6 billion metric tons ng bigas na inaasahang aanihin ngayong taon.

“We remain steadfast in putting forward and accelerating these measures that will address food prices for all Filipinos.

Another 5.0 million sacks will be imported early next year. Harvest has also started in many parts of the country, with the projected harvest for 2018 of 12.6 million MT of rice, the equivalent of 252 million sacks,” anang statement Economic Development Cluster.

Ang mga nagpataas sa inflation rate nitong Agosto ay ang kuryente, gas, produktong petrolyo, isda, bigas , karne at gulay at personal transport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?