imee
By

Mga Eba pinasasangkot sa barangay sports fest

Sharing is caring!

Panahon na para pagkalooban din ng parehas na mga palaro sa bawat barangay sa kapuluan ng bansa ang mga kababaihan, gaya ng kalalakihan.

Giniit ito ni Ilocos Norte Gov. Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos sa pagbubukas kahapon ng dalawang araw na Philippine Sports Commission – Women Sports Congress 2018 sa Sharaton Hotel sa Malate, Manila.

“It’s about time we gave women a chance,” bulalas ni Marcos na umani ng palakpak at sigla sa may 150 women leaders, athletes at national sports association officials sa bansa sa pangunguna nina PSC Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, na siya ring PSC women sports oversight in-charge, Olympian swimmer at dating PSC commissioner Gillian Akiko Thomson-Guevara at batikang International Communication Coach Gabriela Muller ng Mexico pero nakabase sa Switzerland.

“Women have not been allowed the same involvement as men in sports. I hope that through the PSC and this congress, we will have greater opportunities to push sports for women even at the barangay level,” panapos ng anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kinagalak ni Muller, naging tagapagsalita na rin 2016 PSC women congress, ang pahayag ni Marcos at ginatungan na para makilala rin ang women sports dapat aniyang maging malapit din ang women sports officials, coaches at athletes sa sports media tulad ng men’s counterpart nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?