335

Nov 28, 2019 @ 21:18
By

Mga drug lord itinapon ni Duterte sa Manila Bay, Mt. Province

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinapon niya ang mga bangkay ng drug lords sa Manila Bay at mga bangin sa Mt. Province.

Reaksyon ito ng Pangulo sa mga batikos na maliliit na drug suspects lang ang target ng kontrobersiyal niyang war on drugs.

“Itong mga idiotong kolumnista, wala daw nakuha. Hindi n’yo lang alam. Baka hindi n’yo alam, ilan tinapon ko diyan sa Manila Bay,” sabi ng Pangulo sa pagsasalita niya sa awarding ceremony para sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang nitong Huwebes, Nobyembre 28.

Kailangan pa raw ba niyang ianunsiyo o ipagmalaki ito.

“Mga yawa kayo. Baka gusto n’yo pati kayo. Bakit? Nag-announce ba kami drug lord si ano tinapon ko sa Laguna de Bay, ‘yung isa hinulog ko sa Mt. Province dun sa ravine? Do I have to advertise that? Ul*l pala kayo,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?