238

Mar 21, 2020 @ 14:51
By

Mga doktor sa Vista Real Subdivision, may libreng check-up

Naglunsad ang mga doktor sa Vista Real Subdivision sa Quezon City ng TeleMed free medical consultation.

Ayon sa grupo, naisipan nila ito dahil alam nilang puno ang mga ospital dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga tao na nais magpa-check up dahil sa takot sa virus.

Dapat umanong mabawasan ang mga pasyente sa ospital para matutukan ng mga doktor ang mga emergency case at para makaiwas din sa pagkahawa sa sakit.

Kung may nararamdaman ay maaaring tumawag muna sa mga numero sa ibaba para sa libreng konsultasyon:

– Dr. Roel Tolentino (General Surgery/COVID-19/Adult General Medical)

0916-4079417

– Dr. Elaine Tolentino (Internal Medicine/Diebetology)

0916-4400931

– Dr. Bien Manlutac (Nephrologist)

0917-8553315

– Dr. Louella Padua (Endocrinologist)

0917-8557452

– Dr. Romana Bareng (Pediatrics)

0917-8225835

– Dr. Rhoby Orata (Neurologist)

0922-8983455

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?