6

Aug 4, 2020 @ 12:25
By

Mga doktor, nurse ng PNP pagod na rin – Gamboa

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na maging ang kanilang mga doktor at nurse ay napapagod na sa pag-aasikaso ng mga pasyente dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang press briefing sa Camo Crame Martes, sinabi ni PNP Director General Archie Francisco Gamboa na batid niya ang hirap ng mga doctor at nurse na pulis kaya plano nyang magkaroon ng “heart to heart talk” sa mga ito.

Bukod dito ay magsasagawa ng re-assessment ang PNP para sa kanilang mga doktor at nurse at ito ay ipinag-utos na niya kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan.

“I gave instructions to General Cascolan na try to re-evaluate also our forces kasi nakita niyo naman sabi ni Presidente [Rodrigo Duterte] pati `yong PNP will be used already, so sabi ko let us re-examine the availability of our medical reserve force,” pahayag ni Gamboa.

Wala naman aniyang nagrereklamo ng hayagan sa PNP dahil mayroon silang “police discipline” sa organisasyon.

Nabatid na maliban sa PNP General Hospital, nagbabantay din ang ilang PNP medical personnel sa mga quarantine facility sa Philippine Sports Complex-ULTRA sa Pasig City at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?