68

By

Mga doktor nanawagan sa PAO: Tigilan ang ‘fake news’ sa Dengvaxia

Nakiusap ang grupo ng mga Filipino doctor sa Public Attorney’s Office (PAO) na ihinto na ang pagpapakalat ng mga hindi pa napapatunayang alegasyon tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Anila, dahil dito ay unti-unting nawawala ang tiwala ng publiko sa iba pang bakuna.

Bumagsak umano sa 32 porsiyento ang tiwala ng mga Pinoy sa kaligtasan ng mga bakuna mula sa 93 porsiyento.

“We call for a halt to the continuous spread of unproven claims of deaths caused by the dengue vaccine by the same unqualified but noisy people who are largely responsible for the fall in vaccine confidence in the country,” anang Doctors for Truth and Public Welfare.

Tinutukoy ng grupo sina PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta at PAO Forensics chief Erwin Erfe.

Nanawagan din ang grupo sa Department of Health na pakiusapan ang mga eksperto sa bakuna na ilahad ang katotohanan para masalag ang “fake news” na nakakarating sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?