30

May 21, 2020 @ 13:23
By

Mga doktor inaway: Presidential adviser sobrang insensitive – Ejercito

Hindi natuwa si dating Senador JV Ejercito sa banat ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion laban sa mga doktor.

Matatandaang sa Laging Handa briefing, Mayo 20, binatikos ni Concepcion ang mga doktor–na aniya’y “salita nang salita, wala namang ginagawa”–dahil sa pagkontra sa rapid test kit para sa mga empleyado sa pribadong sektor.

“Very insensitive statement considering our doctors are our foot soldiers in the FRONTLINE of this battle against an invisible foe,” tweet ni Ejercito, Huwebes.

“Doctors and other Medical Frontliners have sacrificed their lives and health in this Pandemic,” aniya pa.

Matapos supalpalin sa social media ay humingi na ng paumanhin si Concepcion at sinabing sobra niyang pinasasalamatan ang mga doktor na sinasakripisyo ang buhay para sa paglaban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?