24

Mar 4, 2021 @ 20:22
By

Mga doktor ‘discriminating’ sa bakuna – Duterte

Tinawag na “discriminating” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang doktor na ayaw magpaturok ng Sinovac brand ng COVID vaccine.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng apat na school building sa Bulakan, Bulacan at Valenzuela City, sinabi ng Pangulo na maraming doktor ang naghihintay pa rin ng bakuna ng Pfizer sa halip na samantalahin ang pagpapabakuna ng Sinovac.

Pero iginagalang aniya nito ang desisyon ng mga gustong maghintay ng ibang brand ng bakuna.

“The doctors are very discriminating. They are waiting for the Pfizer. For those of you who would opt to take that vaccine, its fine with me. Wala sa akin ‘yan,” anang Pangulo.

Bago pa man sinimulan ang rollout ng bakuna ay Pfizer ang gusto ng karamihan ng mga medical health worker.

Sinabi naman ng Malacañang na hindi pipilitin ang mga ayaw magpabakuna ng Sinovac na unang dumating sa bansa noong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?