28

Jan 4, 2022 @ 13:53
By

Mga ‘di bakunado bawal muna mag-commute – DOTr

Habang nasa gitna ng Alert Level 3 ang Metro Manila ay bawal munang sumakay sa pampublikong sasakyan ang mga ‘di bakunado, menor de edad at senior citizen, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa ahensya, inaprubahan na ng mga alkalde ng Metro Manila ang naturang panukala.

Hindi lamang mga pang-land travel ang bawal sa mga naturang indibidwal kundi maging ang pag-commute gamit ang sasakyang pandagat at panghimpapawid.

Papayagan lamang ang mga ‘di bakunado, menor at senior sa pampublikong sasakyan kung bibili sila ng pangunahing pangangailangan, na kailangan pa nilang patunayan sa kanilang pag-biyahe.

Gayundin, kahit bakunado na kontra COVID ay bawal munang mag-commute ang mga menor, senior, buntis at taong may comorbidity.

“The DOTr and its attached agencies shall closely coordinate with the Metropolitan Manila Development Authority on the enforcement of the said policy,” saad ng ahensya.

Ang Alert Level 3 sa NCR ay magtatagal hanggang Enero 15. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?