16

Jul 21, 2021 @ 19:58
By

Mga Delta variant positive hindi pa bakunado kontra COVID

Lahat ng positibo ngayon sa Delta variant sa Pilipinas ay hindi pa nabakunahan laban sa coronavirus bago tamaan ng virus, ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walong aktibong kaso ng Delta variant sa bansa ay hindi pa bakunado.

Apat ay mula sa Cagayan de Oro, isa sa Maynila, isa sa Misamis Oriental at dalawang Pilipinong galing sa ibang bansa.

“8 active individuals are unvaccinated from now,” ani Vergeire sa panayam sa ANC.

Sa ngayon ay 35 ang naitalang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, tatlo ay pumanaw na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?