76

By

Mga deboto nagsuntukan sa gitna ng Traslacion

Nagkagulo ang ilang deboto sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Sa report ng Inquirer, alas-singko ng hapon nangyari ang suntukan ng dalawang panig sa Vergara Street sa Quiapo, Manila.

Isa sa deboto ang nagtamo ng matinding pinsala.

Nakita sa video na hinihila ng isang grupo ng deboto ang dalawang sibilyan palayo sa karwahe ng Black Nazarene na humantong sa suntukan.

Samantala, habang isinusulat ito ay hindi pa batid ang ugat ng kaguluhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?