432

Jul 9, 2019 @ 20:40
By

Mga death threat pinapasa-Diyos na lang ni Mayor Isko

Hindi man niya kinumpirma o itinanggi na may natatanggap na siyang banta sa buhay dahil sa ipinatutupad na pagbabago sa Maynila, sinabi ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ganoon umano talaga kapag naglilinis, may tinatamaan na marumi.

Sa kabila nito, pinagpapasa-Diyos na lang umano niya ang death threat dahil mayroon namang Diyos at dala-dalawa pa ang anting-anting niya.

“I neither confirm or deny but isa lang masasabi ko, talagang ganyan kapag ika’y naglilinis, may tinatamaan na marumi. Subukan mong mang-apak ng paa, kung walang masasaktan,” sabi ni Moreno.

“Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yan. Meron naman ako eh… May Jesus. Dala-dalawa pa nga anting-anting ko e. Kailangan ko talaga ng mga anting-anting,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?