20

Jul 17, 2020 @ 15:03
By

Mga dayuhan papapasukin na sa ‘Pinas

Sa gitna ng kinahaharap na pandemyang COVID-19, papayagan nang pumasok ang ilang dayuhan dito sa bansa.

Ayon kay COVID-19 task force spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, simula Agosto ay papapasukin na ang mga foreign national na may long-term visa.

Nilabas na aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang guidelines sa nasabing patakaran kahapon, kabilang ang pagtitiyak ng pre-arranged COVID-19 test at pagbu-book ng accredited quarantine facility kung saan sila pansamantalang mananatili.

Nito ring buwan pinayagan ng gobyerno ang mga Pinoy na umalis ng bansa para sa non-essential travel.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, 61,266 na ang kabuuang dami ng coronavirus case sa bansa.

Kabilang dito ang 38,183 aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?