72

By

Mga dating smoker may discount: Philip Morris nagsimula ng life insurance firm

Naglunsad ang tobacco company na Philip Morris International ng life insurance business na nag-ooffer ng discount para sa mga smoker na tumigil na sa paninigarilyo o yung mga gumagamit na lamang ng e-cigarette o heated tobacco device.

Ang mga taong gumagamit na lamang ng e-cigarettes ay makatatanggap ng 2.5% discount sa premiums.

Ang mga gumagamit naman ng Philip Morris’ heated tobacco product iQOS sa loob ng tatlong buwan ay makatatanggap ng 25% discount habang 50% discount naman ang matatanggap ng mga tumigil nang manigarilyo sa loob ng isang taon.

Ang premiums na inooffer ng insurance firm sa mga 20-year-old nonsmoker ay tinatayang nagkakahalaga ng £5 ($6.47) kada buwan para sa life insurance policy na nagbabayad ng £150,000 ($194,125).

Samantala £60,000 ($77,650) ang para sa 40-year-old nonsmoker.

“Obviously that makes sense for public health and the people who smoke themselves, but it also makes sense for our shareholders because financially, as these products are not cigarettes, they benefit from lower excise taxes and better margins, so it’s a win-win for everybody,” saad ni CEO Andre Clantzopoulos sa interview ng CNBC.

Inaasahan ng kompanya na tuluyan na silang titigil sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga darating na panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?