36

Jan 18, 2019 @ 17:35
By

Mga dating relasyon, tinitingnang anggulo sa pananambang sa Cebu prosecutor

Inatasan na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pananambang sa dating Cebu City prosecutor na si Mary Ann Castro.

Ipinag-utos din ni Guevarra sa NBI na tukuyin sa lalong madaling panahon kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Castro.

Si Castro ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan kagabi sa Lahug, Cebu City nang barilin ito ng nag-iisang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Sinasabing si Castro ay nasangkot sa ilang kontrobersiya at love affairs noong siya ay naninilbihan pa bilang assistant city prosecutor labing-walong taon na ang nakakalipas.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa kanyang dating mga relasyon at mga hinawakang kaso na maaaring motibo sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?