By

Mga dating gabinete ni Aquino, walang lusot sa kaso – Palasyo

Sharing is caring!

Nagbigay ng katiyakan ang Malacanang na walang malilibre sa mga kinasuhang dating opisyal sa Office of the Ombudsman kaugnay sa umano’y maanomalyang service contract ng Metro Rail Transit 3.

Kasunod ito ng isinampang kasong plunder ng Department of Transportation (DOTr) sa Ombudsman laban kina dating Transportation secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, dating transportation Undersecretaries Erwin Lopez, Rene Limcaoco, at Catherine Gonzales; dating MRT-3 general manager Roman Buenafe, dating DOTC Bids and Awards Committee members at executives ng Busan Universal Railways Inc. or BURI.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, mahaba na ang naging sakripisyo ng publiko dahil sa palpak na serbisyo at operasyon ng MRT at kabiguan ng mga dating opisyal na ayusin ang mga pagkakamali kaya marapat lamang na managot ang mga ito.

“We must stress that the great suffering of the riding public as result of the failure to deliver on the responsibilities of public office, such as the case of the current state of the MRT-3 system, carries consequences and that those accountable will be held liable,” ang pahayag ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na hindi makatarungan na magbayad ng P 54 million kada buwan ang gobyerno , bukod pa sa P1.8 billion na fixed fee sa isang contractor na hindi kayang i-deliver ang maayos na serbisyo at sistema sa MRT.

Kabilang din sa mga kinasuhan sa Ombudsman sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Finance secretary Cesar Purisima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating Science and Technology secretary Mario Montejo, dating Defense secretary Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways secretary Rogelio Singson at dating NEDA Director General Arsenio Balisacan at Marlo dela Cruz. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?