42

By

Mga dating drug user, bibigyan ng mga proyekto sa Lingayen

Balak likhain muli ni Lingayen, Pangasinan Mayor Leopoldo Bataoil ang proyekto na tinatawag na “Adopt a Surrenderer” upang bigyan ng proyekto ang mga drug dependent na sumuko sa lokal na pamahalaan sa nasabing bayan.

“I talked with the police and asked them to identify the drug surrenderers even those newly identified. I told them we should conduct activities (except for those who are undergoing rehabilitation programs in institutions) that will make them productive. If we let them on their own, they might backslide,” ani Bataoil.

Ayon kay Bataoil, may 338 ang sumuko na drug personality mula pa noong 2016.

“We will work on something productive to make them partners in the improvement of the barangay,” sabi pa ni Bataoil.

Aniya, kasama sa plano ng ‘Adopt a Surrenderer’ sa pagpapaganda ng Lingayen kasama dito ang clean and green program.

“We’ll have them join the cleanup drives, coastal cleanups, and even ask them to join the groups like Lingayen Bantay Kalikasan who are advocates of the environment,” dagdag pa ng alkalde.

Plano din ng lokal na pamahalaan, ayon kay Bataoil na maglagay ng model nursery o community nursery kung saan ang mga surrenderer ay makatutulong para magtanim ng mga prutas ang mga gulay para sa pangangailangan ng lokal na bayan.

Kasama ang counseling, values formation, spiritual reformation at livelihood training sa naturang programa.

Ayon sa alkalde, ang planong proyekto ay iprinisenta ng Municipal Peace and Order Council, Municipal Anti-Drug Abuse Council, at Municipal Council for the Protection of Children.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?