13
summer1
By

Mga dapat gawin para ligtas ngayong summer

Sharing is caring!

Iba’t ibang sakit ang dumarating lalo na ngayong panahon ng tag-init. Kaya naman todo punas ng pawis, paglalagay ng pulbos at paliligo bawat oras ang ginagawa ng iba upang hindi makaramdam ng init at hindi magkasakit.

Ito po ay napag-aralan ng mga eksperto sa United Kingdom kung saan madali nang magkasakit ang mga tao dahil na rin sa paiba-ibang panahon at maging sa mga pagkain na nakakain.

Kaya’t narito po ang ilang tips para maging ligtas ngayong summer:

1. Ugaliing maghugas ng kamay — Gasgas man o luma na ito pero napaka-epektibo. Hugasan ang mga kamay palagi bago at pagkatapos kumain, pagkatapos gumamit ng palikuran (CR) at tuwing galing sa anumang gawain lalo na kung mula tayo sa pampublikong lugar.

Lagi rin dapat na maging mapagmatyag tayo sa ating pagbahing at pag-ubo para maiwasan na maikalat ang germs. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay.

2. Umiwas sa mga peste — Dapat na tiyakin na hindi pinamumugaran o pinamamahayan ng kahit na anong peste ang ating mga tahanan gaya ng daga, lamok at marami pang insekto.

Di lang sa loob ng bahay kundi maging sa labas at sa paligid ng mga kapitbahay.

Oras na mayroong peste sa ating paligid, agad silang lipulin upang maiwasan natin ang dala-dala nilang banta sa kalusugan.

3. Maging malinis kahit na sa mga alagang hayop — Kung may mga alaga sa bahay, dapat na tiyakin natin na malusog sila.

May posibilidad na ma-infect ang mga tao mula sa mga hayop, kaya dapat na magkaroon ng magandang habit na alagaan sila gaya ng pagpapakain ng tama, pag-dispose sa kanilang dumi nang maayos, pagpapaligo sa kanila at ang regular na pagbisita sa kanilang beterenaryo at pagpapabakuna.

4. Ilagay sa tamang lagayan ang mga pagkain — Mas mainam kung laging sariwa ang lulutuin. ‘Yun bang mamamalengke ka araw-araw. Ngunit kung kailangang mag-imbak ng pagkain lalo na kung tag-ulan at upang makatipid sa oras, ay tiyakin na maitatago ang pagkain sa malinis at maayos na lugar.

Ang mga pagkain gaya ng meats, dairy at poultry products ay maaaring pagmulan ng impeksyon lalo na kung hindi naitago nang maayos. Kung hindi pa lulutuin ang karne at iba pang pagkain ay ilagay sila sa tamang taguan gaya ng refrigerator. At ang mahalaga sa lahat ay lutuing mabuti ang mga karne.

5. Sapat na pahinga — Kapag ang isang tao ay walang sapat na pahinga, may tsansa na tumaas ang stress at bumaba ang productivity, kasama pa ang posibilidad na humina ang immunity.

Dapat na tiyakin na nakapahinga araw-araw kahit ano pa ang ating gawain. Magkaroon din ng sapat na tulog.

6. Magpabakuna — Sundin ang mga rekomendasyon para sa flu shots at iba pang vaccines upang makaiwas sa impeksiyon.

7. Huwag mag-self medicate — Ang pagiging reliant sa drugs ay isang nakababahalang bagay. Baka ang katawan ay maka-develop ng “resistance to medications” dahil sa ‘di kailangan at madalas na pag-inom ng gamot na hindi ipinayo ng doktor.

8. Ingatan ang mga sugat — Kapag may sugat tayo ay takpan ito lalo na kung malaki at bukas. Kapag naka-expose sila ay may posibilidad na maimpeksiyon ito at makaantala pa sa paggaling sugat.

9. Magkaroon ng good hygiene – Practice good hygiene. Pinakamabisa ay ang paliligo araw-araw at pagsusuot ng malilinis na damit.

Bukod dito, palaging praktisin ang “good oral health care”. In short, magsipilyo ng at least tatlong beses araw-araw.

10. Maging updated sa usaping pangkalusugan – Dapat na laging aware sa paligid lalo na kapag tungkol sa kalusugan. Kung may breakout ng infectious disease, mag-ingat sa pag-iwas dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?