11,004

Dec 28, 2017 @ 18:14
By

Mga dapat at ‘di dapat gawin sa Bagong Taon

Alam n’yo ba bawat bansa ay may kanya-kanyang mga tradisyon at pamahiin sa pagsapit ng Bagong Taon.

Narito ang ilan sa mga pamahiin na ating minana mula pa sa mga nakatatanda sa atin.

1. Magdamit nang may disenyong bilog-bilog. Ang bilog ay nangangahulugan ng pera. Nagbibigay daw ng suwerte sa buong taon.

2. Maglagay ng maraming barya sa bulsa at alugin pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi.

3. Magbilang ng perang papel sa harapan ng pintuan. Ang pagbilang ay magpapasok daw ng maraming pera sa inyo. Gawin ito pagtunog ng alas-12:00 ng hatinggabi.

4. Naghahanda rin ng 12 iba’t ibang bilog na prutas. Bakit 12? Palagay ko dahil may 12 buwan sa isang taon. Nangangahulugan na masagana at maunlad sa loob ng isang taon.

5. Punuin ang lalagyan ng bigas, asukal at asin at mga lalagyang ginagamit sa araw-araw na pangangailangan. Sinasabing sagana raw sa buong taon.

6. Bawal ang magbayad ng utang sa Bagong Taon, dahil ang paliwanag nito ay hindi mo maiiwasan ang laging may utang.

7. Kailangang may handang pansit o spaghetti para humaba ang buhay.

8. Maglagay daw ng “money tree” sa may pintuan. Ito raw ay magdadala ng suwerte.

9. Mag-ingay at kalampagin ng anumang uri ng lata. Sinasabing ito raw ay panakot at pinaaalis ang mga masasamang espiritu.

10. Batiin ang mga mahal sa buhay upang manatiling masagana ang pagsasama. Happy New Year to all!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?