33
abante-tnt-vismin-san-roque-dam
By

Mga dam sa Luzon nagpapakawala ng tubig

Sharing is caring!

Ilang dam sa Luzon ang patuloy na nagpapakawala ng tubig para maagapang umapaw ngayong patuloy at inaasahan ang pagtatagal ng malakas na ulan.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Richard Orendain, hydrologist ng PAGASA Hydrometeorological Division, apat na gate ng San Roque Dam sa Agno River sa Pangasinan ang binuksan danil lumagpas na ito sa spilling level.

Umabot ang water level ng dam sa 280.19 meters above sea level (masl), na lagpas na normal na 2080 masl water level nito.

Inabisuhan na mag-ingat at lumikas na kung maari dahil sa posibleng pagbaha ang mga residente malapit sa Agno River, partikular sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Sta. Maria, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang.

Nagbukas din ng gate at nagpapakawala ng tubig sa daming 22 cubic meters per second ang Bustos Dam sa Bulacan.

Walong gate naman ng Ambuklao Dam sa Benguet ang binuksan habang anim na gate ng Binga Dam ang nagpapakawala ng tubig.

Ayon kay Orendian, nasa ikaapat na araw na ng pagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela dahil napupuno ang Dam ng patuloy na pag-ulan.

Nagpakawala rin ng tubig nitong Linggo ng madaling araw ang Ipo Dam sa Bulacan pero sinarhan na ang mga gate nito kaninang alas-6 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?