48

May 9, 2020 @ 15:11
By

Mga daga nakakahawa ng hepatitis

Isang kakaibang sakit ang natuklasan sa Hong Kong matapos malaman na galing sa daga ang isang uri ng hepatitis.

Noong 2018 nagsimula ang pagkatuklas sa University of Hong Kong, nang isang lalaki ang nakitaan ng hepatitis E, ngunit hindi makita ang human strain ng hepatitis E virus sa kanyang dugo.

Ang hepatitis E ay isang liver disease na nagdudulot ng lagnat, jaundice at paglaki ng atay, at sa unang beses sa medicinal history ay nalaman nilang galing sa daga ang hepa ng lalaki.

“Suddenly, we have a virus that can jump from street rats to humans,” ayon kay Dr. Siddharth Sridhar, isang microbiologist at researcher sa Hong Kong University.
Inakala nila na isolated incident lamang ito at posibleng hindi na ulit mangyari, ngunit simula noong 2018 ay 10 pang residente ng Hong Kong ang tinamaan ng hepatitis E mula sa mga daga.
Base sa nalalaman ng siyensa, ang hepatitis E ay nakukuha lamang sa dumi na nahalo sa inuming tubig, kaya’t bagong pagkatuklas ang inaalam ng mga medical expert ngayong nahaharap sa bagong transmission ng nasabing sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?