114

By

Mga Customs fixer, barilin, itapon sa dagat! – Duterte

Sharing is caring!

May kalalagyan ang mga fixer sa Bureau of Customs (BOC) na patuloy pa ring namamayagpag kahit na nagpatupad na ng paghihigpit ang ahensiya.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan niya ang mga sundalo na kapag makakita ng mga fixer sa ahensiya ay barilin at itapon sa dagat at huwag aamin.

Ayon sa Pangulo, hanggat hindi natututuruan ng leksiyon ang mga sindikato ay hindi titino ang BOC sa katiwalian.

“Ara ra na sundalo mag tan-aw kay siguro nagapangita na nga kanang mga fixer. Sabi ko pag makita ninyo, barilin mo na, tapon mo sa dagat. Walang lang mag-amin. Linte na mga kriminal diha,” anang Pangulo .

Sinabi ng Presidente na malalim na ang katiwalian sa BOC at maging sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at makikita ito sa mga magagarang bahay at kotse ng mga nagtatrabaho sa nabanggit na mga ahensiya.

“Alam mo ang Customs noon pati ngayon, magagandang bahay. Mga BIR magagandang… lahat may kotse. Sila yan. Magprangkahan na tayo, kayo yan diyan eh. Because all of you are contaminated with corruption,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?