76

Dec 7, 2017 @ 15:55
By

Mga colorum sa EDSA HOV lane, tutukan ng LTFRB

Itinuro ng Metropolitan Manila Development Authority sa Land Transportation Francise and Regulatory Board ang tungkol sa sa usapin ng mga colorum na sasakyan na maaring samantalahin ang itatalagang High Occupancy Vehicle (HOV) Lane sa EDSA.

Katuwiran ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia hindi naman nila maaring harangin ang mga pagdududahang colorum na sasakyan na babagtas sa HOV Lane dahil lubha itong delikado para sa kanila.

Aniya, sa pamamagitan ng mahigit 40 high definition security cameras sa EDSA na tinutukan sa kanilang Metro Base Command Center ay malalaman nila kung higit sa isa ang sakay ng isang sasakyan.

Ngunit aminado ang opisyal na malaking hamon sa kanila ang mga heavily tinted na sasakyan.

Sa Lunes ay magsisimula ang isang linggong dry run para sa panibagong traffic reduction plan at kapag ganap na itong maipapatupad ay pagmumultahin ng P500 dahil sa disregarding traffic sign.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?