11

By

Mga collegiate team, magkikiskisan sa PSL

Sharing is caring!

Sisimulan na ng Philippine Superliga (PSL) ang kauna-unahan nitong collegiate conference sa pagbubukas ng All-Filipino Conference, ang Collegiate Grand Slam (CGS).

Anim na eskwelahan ang nakatakdang magbanggaan sa nasabing torneo sa pangunguna ng University of the Philippines Lady Maroons, UST Golden Tigresses, FEU Lady Tamaraws, UE Lady Warriors, DLSU-Dasmarinas Lady Patriots at Colegio San Agustin-Biñan Eagles.

Tuwing Sabado nakatakda ang laban at lahat ng patakaran ng PSL gaya ng challenge system ay magagamit din ng bagong bersyon.

Umaasa si PSL chairman Philip Ella Juico na madagdagan pa ang mga eskwelahan na lalahok sa nasabing torneo sa mga susunod pa nitong taon.

“We have explore the possibility to have a strong collegiate league. We have six teams in our inaugural conference. But we expect more college squads to join as soon as we get this tournament off ground,” wika ni Juico.

Magsisimula na sa Oktubre 30 ang All-Filipino Conference ng PSL pero sa ika-3 pa ng Nobyembre papalo ang CGS sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?