67

Mar 28, 2020 @ 18:17
By

Mga coal power plant, panira sa malinis na hangin ngayong quarantine

Kontaminadong hangin pa rin ang nalalanghap ng mga komunidad na pinaglalagakan ng mga coal-fired power plant.

Ayon sa clean energy group na Power for People Coalition (P4P), sa kabila na nakakalanghap na ng malinis na hangin ang Metro Manila dahil sa pagsasara ng ilang factory at pagtigil ng transportasyon, patuloy pa ring nagdurusa ang ilang komunidad sa ibinubugang usok ng nasabing mga planta.

Reaksyon ito ng grupo sa mga ulat na nakita ng Institute of Environmental Science and Meteorology ng University of the Philippines Diliman ang pagbaba ng antas ng air pollution sa mahigit 180 porsiyento dahil sa quarantine.

Inatasan din ng Department of Energy ang mga power plant na magpatuloy ng operasyon kahit pa mababa ang demand.

“It’s great news that people in Metro Manila are starting to enjoy fresher air. But at the same time, we should not forget those in communities with coal power plants. They will continue to breathe in air contaminated with the byproducts of coal pollution,” saad ni P4P Convenor Gerry Arances.

Giit pa nila, ang quarantine na ang tamang pagkakataon para ma-test ang antas ng polusyong nililikha ng coal o uling at kung gaanong damage ang idinudulot nito sa kalikasan.

Panawagan ni Arances, may iba pa naman aniyang mapagkukunan ng enerhiya na hindi nagdudulot ng polusyon sa hangin at abot-kaya.

“Renewable energy already powers many advanced economies. We should not get left behind on this one. Let’s end all the ill effects of coal and produce affordable, sustainable, and reliable energy for all,” saad ni Arances.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?