33

Mar 15, 2020 @ 12:57
By

Mga Clark flight bawal din! Davao sinailalim sa quarantine ni Duterte

Dineklara na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang community quarantine sa kanilang lugar.

Bilang pagkontrol aniya ito sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Davao.

Sa Executive Order No. 10 na nilagdaan ngayong Linggo, Marso 15, nakalista ang mga panuntunan sa quarantine.

Suspendido ang mga pampublikong pagtitipon at mga klase mula kinder hanggang post-graduate studies hanggang maiangat na ang “state of public health emergency.”

Hindi naman maaantala ang trabaho sa gobyerno, habang exempted sa quarantine ang pampublikong transportasyon at pag-deliver ng cargo.

Papapasukin din ang mga manggagawa sa labas ng Davao ngunit sasailalim ang mga ito sa screening.

Samantala, sa Executive Order No. 09, dineklarang bawal na ang lahat ng mga biyahe mula Clark International Airport patungong Davao.

Epektibo rin ito ngayong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?