237

Feb 1, 2020 @ 12:41
By

Mga Chinese student pina-quarantine: Adamson racist – mga netizen

Binanatan sa social media ang naging hakbang ng Adamson University kasunod ng novel coronavirus outbreak.

Nitong Biyernes, Enero 31, ay naglabas ng memorandum ang Adamson na nag-uutos na mag-self-quarantine ang lahat ng kanilang Chinese student hanggang February 14.

Ayon sa memo, ito ay para masiguro umano ang ‘healthy’ at ‘virus-free environment’ sa kanilang eskuwelahan.

Saad pa sa memo na hindi muna maaaring makipagtransaksyon ang mga Chinse national sa loob ng campus.

Ang iba namang lahi ay patuloy pa rin ang mga klase.

Dahil dito’y naging tampulan ng kritisismo ang unibersidad, tinawag na racist ang nasabing kautusan na nagmula sa Presidente ng Adamson na si Fr. Marcelo Manimtim.

Samantala, naglabas ng clarification ang Adamson at binago ito, sinabing ang lahat ng mga estudyante, staff at stakeholder na nagpunta sa China at Hong Kong sa nakalipas na buwan ang sasailalim sa self-quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?