285

Jan 6, 2022 @ 12:38
By

Mga Chinese nag-panik! Prutas galing Vietnam, Thailand, positibo sa COVID

Maging mga prutas na inangkat ng China galing sa ilang bansa sa Southeast Asia ang positibo umano sa COVID-19, dahilan para magsara ang ilang tindahan at ipag-utos na mag-quarantine ang mga mamimili at tindero ng naturang mga prutas.

Ayon sa South China Morning Post, siyam na siyudad sa mga probinsya ng Zhejiang at Jiangxi sa China ang may naiulat na positibo umano sa COVID ang ibinebentang dragon fruit galing Vietnam at longan galing Thailand.

Kaya naman, nagsara muna ang mga pamilihan ng prutas sa mga naturang lugar at hinigpitan ang inspeksyon partikular sa dragon fruit na galing Vietnam.

Kaugnay din nito, nasa 1,000 residente ng Shaoxing City sa Zhejiang na itinuturing na close contact ng Vietnamese dragon fruit ang pinag-home quarantine.

Gayunman, ayon sa World Health Organization (WHO), maliit ang tsansa na magkaroon ng COVID ang isang tao mula sa pagkain.

Sa kabila nito, todo-ingat ang mga awtoridad sa China sa posibilidad na may magka-COVID dahil sa prutas. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?