75

Jun 18, 2019 @ 16:24
By

Mga Chinese fisherman pwedeng kasuhan sa local, international court – Panelo

Maaaring kasuhan at panagutin sa korte ang mga tripulante at kapitan ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy at nag-abandona sa mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag napatunayang sinadya ng Chinese vessel na banggain ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy habang naka-angkla, maaari silang kasuhan ng reckless imprudence resulting to damage to property sa lokal na korte sa bansa.

Kapag napatunayan naman aniya na inabandona ang 22 mangingisda, maaaring isampa ang kaso sa international court alinsunod sa Article 98 na nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Philippines can sue the Chinese fishermen involved in the allision. If the findings are both with respect to the fact of abandonment eh talagang dapat managot sila doon. Merong mekanismo doon. Our stands remains the same unless you show us contrary proof na kaya mo inabandona dahil you are in danger of hurting yourself in the process. Kasi under the UNCLOS kung may nakita kang in distress na barko, kung it will harm you also, you are not required to help. Nasa UNCLOS ‘yan Article 98,” ani Panelo.

Ang pagpapanagot sa Chinese crew ang nais ring mangyari ni Junel Insigne, ang kapitan ng F/B Gem-Ver1 para maparusahan ang ginawa sa kanila noong Hunyo 9 sa Recto Bank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?