226

Jun 20, 2019 @ 19:32
By

Mga celebrity nakiramay sa pagpanaw ni Eddie Garcia

Binaha ng mga mensahe ng pakikiramay ng mga celebrity ang social media para kay veteran actor at director Eddie Garcia.

Sumakabilang-buhay nitong June 20 ang aktor matapos ang ilang araw na pagkaka-comatose.

Kabilang sa nagpahayag ng kalungkutan sa pagyao ni Garcia sina Bella Padilla, Paulo Avelino, Jasmine Curtis Smith, Carlo Aquino, Luis Manzano, Maric Racal, Anne Curtis at Vice Ganda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?