107

Jun 24, 2021 @ 18:32
By

Mga celebrity nakidalamhati sa pagkamatay ni Noynoy

Nakidalamhati ang mga celebrity sa pagyao ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa pahayag ng pamilya Aquino na binasa ng kapatid ni Noynoy na si Pinky Aquino-Abellada, idineklarang patay si PNoy ng alas-6:30 ng umaga nitong June 24 dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

Sa kani-kanilang social media account, nagbigay ng tribute ang mga celebrity para sa dating presidente.

Kabilang sa kanila sina Dingdong Dantes, Liz Uy, Kris Bernal, Chynna Ortaleza, Janine Gutierrez at Enchong Dee.

Pati na rin sina Ogie Alcasid, Pokwang, Melai Cantiveros, Jim Paredes, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, Karla Estrada at Heart Evangelista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?