234

Jun 18, 2019 @ 13:38
By

Mga celebrity nag-react sa isyu ng ‘pagbangga’ ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy

Naglabas ng pahayag ang ilang celebrities sa naganap na insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea kung saan ay binangga umano ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy at iniwan ang mga itong palutang-lutang sa karagatan.

Sa Twitter post ng aktor na si Enchong Dee noong June 15, ipinahayag nito na napakaliit umano ng tingin ng ibang bansa sa ating mga Pilipino.

“Ang liit ng tingin satin ng ibang bansa, mas liliit pa yan pag hinayaan nating manahimik para sa mangingisda natin laban sa mga Bully,” ani Enchong.

Maging ang komedyanteng si Ethel Booba ay may sey din sa naturang isyu.

“You don’t have to go down in history as a clam defender, you can go down as a hero. A hero who defended and fought for our sovereignty and the rights of our fishermen. Charot!”

Nadurog naman ang puso ng TV host na si Bianca Gonzalez sa nangyari sa mga mangingisda.

“The more details that come out from the Pinoy fishermen and China boat incident, mas lalo nakakadurog ng puso,” aniya.

Maging ang talent manager na sina Lolit Solis ay hindi napigilang maglabas ng kanilang saloobin tungkol sa isyu.

“You feel your heart aching Salve sa tuwing pinapanood ko iyon mga mangingisda na nasagip mula sa fishing boat na binangga ng Chinese vessel,” saad ni Lolit Solis sa kaniyang Instagram post noong June 15.

“Ang sakit sa dibdib makita iyon 21 fishermen na mukhang pagod pero ang nasa isip ay ang 2 linggo nila sa laot at ngayon uuwi sila sa kani-kanilang pamilya na walang dala, walang kinita,” dagdag pa niya.

Binanatan naman ni Ogie Diaz at Jasmine Curtis si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sinabi nitong hindi sinasadya ang naganap na insidente.

“Dear Mr. Cusi, pahinga na po kayo. Ilaan nyo na lang po ang energy nyo sa mga apo nyo, mas kailangan nila ng lolo,” saad ni Diaz sa kaniyang FB page noong June 17. “Nag-aalala, kahit daplis lang, Mama Ogs.”

“DAPLIS LANG (Just a graze)?!?!?????? WOW.” react naman ni Jasmine Curtis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?