80

Jul 10, 2019 @ 15:30
By

Mga CBA star bida sa TOPS Usapang Sports

Basketball ang magiging paksa sa 30th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Bibisita para sa weekly sports forum ang San Juan Knights at Naga Waterborne na magtatapat para sa titulo ng Community Basketball Association (CBA) at P1-million cash prize.

Ilan sa players at coaches mula sa dalawang koponan ay tatalakayin ang kanilang paghahanda at tsansa na maiuwi ang winner-take-all championship game sa sports session na ka-partner ang Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Makikibahagi rin para sa 10am session si actor-director Carlo Maceda na binuo ang community-based league.

Inaasahan rin na makikisalo ang ilang opsiyal mula sa ibang teams na makikibahagi sa CBA 18 years old and under tournament.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng miyembro at officers na um-attend sa forum na ipapalabas rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?