139
Mga cast, crew ng ‘Love Thy Woman’ pinagse-self quarantine
Mar 18, 2020 @ 18:50
By

Mga cast, crew ng ‘Love Thy Woman’ pinagse-self quarantine

Matapos aminin ng beteranong aktor na si Christopher De Leon na positibo siya sa coronavirus disease (COVID-19), inabisuhan ng ABS-CBN ang cast at crew ng TV series na “Love Thy Woman” na mag-self quarantine.

“Following the announcement of Christopher de Leon that he has tested positive for COVID-19, we have advised those who might have interacted with him during the tapings of ‘Love Thy Woman’ in the last two weeks to undergo self-quarantine,” saad ng ABS-CBN.

Bahagi kasi si De Leon ng “Love Thy Woman” kasama sina Kim Chiu, Xian Lim at Yam Concepcion.

Sa kabila na pinahinto na ng ABS-CBN ang mga taping ng kanilang mga teleserye, patuloy umano silang magmo-monitor sa sitwasyon at tutulong sa mga apektado nito.

“While we have stopped the tapings of all our teleseryes, we will continue to monitor their situation and provide the necessary assistance and support to those who are affected. The safety of our artists, crew, production teams and their families are important to us,” dagdag ng TV network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?