359

By

Mga burgis sa Alabang sasakay sa e-trike ng DOE

Sharing is caring!

Tinanggap ng Muntinlupa City ang 150 e-tricycles mula sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi malaking tulong sa kanilang programang pangalagaan ang kalikasan ang mga makabagong tricycle.

Aniya unang bibiyahe ang mga e-trike sa mga subdibisyon, kasama na ang Ayala Alabang Village, maging sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Binanggit nito na ang kanilang lungsod ang unang nakapagsumite ng kumpletong dokumento sa DOE kaya’t sila ang kaunaunahang LGU sa Metro Manila na nabigyan ng donasyon.

Una nang nagpabiyahe ang pamahalaang-panlungsod ng mga electronic o e-jeep na nagbibigay ng libreng sakay sa mga residente ng lungsod.

Dagdag pa ni Fresnedi patuloy nilang kinukumbinsi ang ilan pang TODA para gamitin na ang makabagong pampublikong sasakyan.

May mga kooperatiba na silang kinakausap para sa pamamahagi ng mga e-trike.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?