123

Apr 14, 2020 @ 13:37
By

Mga bumibiyaheng sasakyan dumarami: Social distancing dapat ipatupad sa SLEX

Bahagyang umuusad ang mga kotse na bumiyahe ngayong Martes sa South Luzon Expressway.

Umalma ang mga netizen dahil mabigat ulit ang nararanasan nilang daloy ng trapiko sa northbound lane papasok ng Metro Manila galing Alabang hanggang Susana Heights – MCX, kahit pa may home quarantine protocol ang gobyerno laban sa COVID-19.

Dulot umano ang heavy traffic ng mahigpit na inspeksiyon sa checkpoint, ayon sa SLEX Command Center. Tinitiyak aniya nila na essential personnel at deliveries lang ang nasa kalsada.

Sambit ng isang netizen, dapat ipatupad na rin ang social distancing sa mga kotse.


Punto naman ng isa pa, dumarami ang mga bumibiyaheng private car kahit essential vehicles lang ang pinapayagan ngayong may Luzon-wide lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?