81

Jun 24, 2021 @ 22:37
By

Mga bulaklak bumaha sa pagpanaw ni Aquino

Ilang oras matapos kumpirmahin ang pagyao ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, nag-alay ng mga bulaklak ang mga tagasuporta niya sa kanyang tirahan sa Times Street sa Quezon City nitong Huwebes.

Sa “24 Oras” report, makikita ang mga bulaklak sa harapan ng bahay ni Aquino.

Para naman bigyang privacy ang pamilya ni Aquino ay isinara na ang mga gate ng Time Street.

Samantala, naka-display ang larawan ni Aquino sa isang barangay LED bulletin board sa kanto ng West 4th at Times Street, kung saan maaaring mag-iwan ng bulaklak para sa pumanaw na dating presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?