97

Jan 24, 2020 @ 16:51
By

Mga broadcaster sa Wuhan naka-face mask na rin

Pinagsusuot na rin ng face mask maging mga journalist sa Wuhan City, China sa kasagsagan ng pagkalat ng novel coronavirus.

Kumalat kahapon sa Chinese social media app Weibo ang larawan ng mga broadcaster na naka-face mask habang nagre-report, na pinuri naman ng mga netizen dahil pinakikita umano nilang dapat itong tularan ng publiko.

Ngayong naka-lockdown na ang mga biyahe papunta at galing sa lungsod, sapilitang pinagsusuot ang 11-milyong residente nito ng mga face mask sa mga pampublikong lugar dito.

Pinagbawal na rin ng mga Wushu authority nitong Miyerkoles ang pagpasok sa mga restaurant, hotel, sinehan, hair salon, at iba pa kapag hindi nakasuot ng face mask.

Ngayong Biyernes, Enero 24, 2020, kinumpirma na ng mga Chinese authority na 25 na ang namatay habang 830 na ang kumpirmadong kaso sa China ng novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?