23

Aug 3, 2020 @ 20:04

Mga border sa MECQ areas lalatagan ng mga checkpoint

Maglalagay ng mga checkpoint sa mga border ng mga lungsod at bayan sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield, ito’y upang mapigilan ang mga residente sa mga apektadong lugar na makatawid ng mga border.

“Basically, kung dati ang checkpoints natin ay doon sa mga boundary ng regions at ng mga probinsya, ‘yung mga apektado ng MECQ, pati boundary ng cities and municipalities dapat may mga checkpoints na rin tayo, kasi ang ating iiwasan diyan ay itong mga mag-a-avail ng goods and services na mangingibang-bayan pa,” paliwanag ni Eleazar sa Teleradyo.

Dagdag niya, ang mga authorized persons outside of residence lang ang papayagang makatawid sa ibang bayan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?