53
Cebu-Pacific
Aug 21, 2018 @ 10:52
By

Mga biyahe ng Cebu Pacific, balik-normal na

Wala nang kakanselahing biyahe ang Cebu Pacific Air (Cebu Pac) ngayong araw.

Sinabi sa kanilang travel advisory ngayong alas-siyete ng umaga na naaayon na sa schedule ang lahat ng biyahe ng kanilang eroplano maliban lang kung magkaroon ng ibang kaganapan.

“Operations of Cebu Pacific have normalized as of today, August 21, 2018. Barring any other technical, weather-related or other extraordinary circumstances, we do not plan to cancel flights,” pahayag ng Cebu Pac.

Samantala, binibigyan pa nito ng pagkakataon na makapag-rebook, kumuha ng full refund o magpa-convert sa travel fund ang lahat ng pasahero ng domestic at international flights na naapektuhan ng aberya sa paliparan mula noong Agosto 17 hanggang ngayong araw.

Kung magpapa-rebook, ang bagong schedule ay dapat sa loob ng susunod na 30 araw lamang.

Ang abiso ukol dito ay sinamahan ng paghingi ng paumanhin ng Cebu Pac sa kanilang mga pasahero.

Daan-daang biyahe ang nakansela nu’ng sumadsad ang eroplano ng Xiamen Ailines sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?